MAKULIT NA BATA
Ang buhay ay isa sa mga biyaya ng
panginoon sa bawat isa sa atin. Dahil sa biyayang ito Malaya tayong
makakagalaw, makakapagisip at Malaya sa anumang desisiyon sa ating buhay. Kaya
naman maaari itong masayang o nabibigyan ng kahalagahan sa lipunan. Nasasayang
kasi hindi nila natuklasan kung anu ang plano ng panginoon sa kanila. Bago pa
man maisilang ang isang tao may nakalaan na magandang buhay ito na ginawa ng
panginoon. Bagamat kailangan natin itong hanapin o tuklasin kung anu talaga ang
plano ng panginoon sa atin. May isang buhay akong ikukwento sa inyo,marahil ang
buhay niya ay nabago dahil na rin sa presensya ng panginoon sa kanya at sa
kanyang pamilya. Ang buhay na ikukwento ko sa inyo ay ang aking buhay.
Ito ang storya ng aking buhay. Noong ika
dalawangput lima ng hunyo isang libo siyam na raan siyamput isa, sa bahay ni
Inday Guisok na isang midwife sa Dumanlas, Buhangin Davao City isinilang ako.
Pinangalanan ako na Sherwin Mark, nakatira ako sa BLK. 7 LOT 18 Spring Valley,
Buhangin, Davao City at dito na ako lumaki at hanggang ngayon dito pa rin ako
nakatira. Ang magulang ko ay sina Winie Gohetia na aking ama at si Dominga
Gohetia na aking ina. Tatlo kaming makakapatid at ako ang pangalawa, ang
pangalan ng aking panganay na kapatid ay si Shiela Mae Gohetia at an gaming
bunso naman ay si Sheryn Mae Gohetia. Sabi ng mama ko na nung baby pa lang raw
ako ay hindi daw siya masyadong napapagod sa akin kasi sa aming magkakapatid ay
ako lang yung hindi iyakin, tulog lang daw ako ng tulog. Noong marunong na raw
ako maglakad, sabi ng mama ko na ako daw yung pinakamakulit na bata sa aming
magkakapatid. Kahit saan ako napupunta kasi nga naman makulet. Kaya naman nung
ako ay nasa limang taon na may nangyari masam kasi sa bakuran namin mayroon
doong isang septic tank na may butas na pagmamay-ari n gaming kapitbahay. Sabi
pa daw ng papa ko sa aming kapitbahay na ipakumpuni na daw yung butas ng sptik
nila kasi nga daw baka may maaksidente doon. Yung kapitbahay naman naming ay
puro oo ng oo na lang walang ginagawa kaya nga naman nung araw na naglalaro daw
ako sa amin at hindi namalayan ng aking mga magulang na naglalaro nap ala ako
dun sa bakuran naming at sa kakulitan ko ay nahulog ako doon sa butas ng septic
tank. Nung nagpunta yung tito ko sa aming bakuran para mag-ihi ay may nakita
siyang paa ng isang bata na nasa butas, nilapitan niya ito at iniangat yung
paa, doon pa niya nalaman na ako pala yung bata na iyon. Buti na lang nandoon
yung tito ko kasi kung wala, ewan ko na lang. dahil sa pangyayaring iyon ay
muntikan ng makapatay yung papa ko sag alit niya sa kapitbahay namin. Isa iyon
sa mga hindi ko malilimutan na sinabi ng mama ko sa akin. Mula nung manyari iyo
ay hindi na daw ako masyadong makulit. Nag-aral ako ng elementary sa Kapitan Tomas
Monteverde Sr. Central Elementary School at nagtapos ako doon noong Abril,
Dalawangput libo at Tatlo. Sa sekondarya naman ay sa Davao City National High
School. Dito ako natuto ng mga masasamang Gawain tulad ng cutting classes’ para
lamang maglaro ng counters strike at DOTA sa mga internet café. Nung nasa ika
apat na baitang na ako sa sekondarya at patapos na sa highskul ay naguguluhan
ako at natakot kasi kolehiyo na ang susunod. Kasi sabi ng iba na mahirap na daw
ang kolehiyo at sabi naman ng mga kaklase ko na sa USEP raw kami mag-aral. Pero
nahuli ako ako sa pagtake ng exam kasi hindi ako agad nabigyan ng pera ng aking
mama kaya hindi na lang ako nagtuloy sa USEP. Kaya nagpagpasyahan ko na sa
Samson Technical Institute na ako mag-aral ng kolehiyo sa kursong Electronics
Technology. Ito yung kinuha ko na kurso kasi may konti na akong alam sa
electronics kasi ito rin yung elektib subject nung ako’y nasa highskul pa.
Natapos ko itong kursong ito noong Abril, dalawangput libo at siyam. Pagkatapos
ko ng kolehiyo ay nakapagtrabaho ako bilang isang helper sa Asia Brewery na
pinagtatrabahuhan rin ng papa ko. Lumipas ng ilang buwan, dun ko napagtanto na
ang hirap pala ng trabaho ng aking papa para lang may maibigay na pera sa mama
ko para pambili ng pagkain naming. Napagisip-isip ko rin na bumalik sa
pag-aaral at nagkataon rin na sinabihan ako ng aking pinsan na nag-aaral sa
USEP at ipapapasok niya daw ako sa scholarship na kung saan skolar rin siya
doon. Kaya naman lumakas ang loob ko na mag-aral talaga ulit. At yun nga ang
nangyari, nakapasok ako sa scholarship na CIBAC at pumasa din sa entrance exam
sa USEP at doon ay naging isa na ako sa Usepians….jejeje. Ang kursong kinuha ko
sa USEP ay BTTE major in Electronics kasi gusto ko ipagpatuloy ang aking
natapos sa STII na Electronics Technology, pero ditto it’s all about teaching
na sa Electronics.
At iyon nga ang aking buhay. Salamat sa
pagbabasa nito. Sana naaliw ka sa buhay ko o nakarelate ba…jejeje. Salamat.
Godbless.
No comments:
Post a Comment