Pages

Sunday, March 11, 2012

talambuha


Jayson N. Abali
Fil. 3
8:00 – 9:00 AM



Description: C:\Users\Jaz\Downloads\24488_112505842104199_100000343516503_174865_6072799_n.jpg



Maalaala ko kaya…


Siyam na buwan ng paghihintay at sa wakas ako ay unang namasdan ng aking mga magulang. Itinakda akong isilang ng taong 1992, sa buwang Agosto 10. Alam kong hindi maipinta sa tuwa ang kanilang mga mukha ng ako ay iluwal sa mundo. Napakabilis talaga ng araw, at sa taong 2012, limang buwan nalang ang bibilangin at ako ay mag-dadalawang taong gulang na.
Ipinagmamalaki ko namang ipakilala ang aking mga magulang. Ang napakamasigasig kong ina at ama, si Mrs. Adelina Abali at Mr. Roman Abali. Biniyayaan ang aking mga magulang ng limang supling at syempre isa ako doon. Sila ay si (mula sa pinakamatanda hanggang sa bata) Miralin, Jonafe, Joy, Gelmar at Jayson. Ako ang huling binigay ng Diyos sa aking mga magulang. Sabi nga nila masarap daw maging bunso. May katuturan din naman ang kanilang sinasabi, mas pinapaboran kasi ang bunso sa pamilya. Hindi man nila maibigay ang lahat (magulang), ngunit ibibigay naman sa iyo, kung ano lang ang kaya nila.
Masasabi ko namang napakasaya ko sa aking buhay. Pamilya kasi ang nagbibigay sigla at saya sa akin tuwing araw. Hindi ko nga lubos maisip kung mawawala sila. Ngunit ngayon sa bahay naming ako , ang aking pamangkin, at mga magulang nalang ang nakatira. Hindi dahil sa wala na sila, kundi, dahil may kanya-kanyang pamilya na rin sila.
Sa kabilang daku, mag balik tanaw naman tayo sa aking “elementary days”. Napakasarap balik-balikan ang “childhood days”, paano ba naman napakasaya sa pakiramdam ang mging isang bata. Isang pikit lang sa mata ang buhay, parang kailan lang ako ay bata at ngayon ay “teenager” na. Ang saya maging bata dahil walang seryosong iniisip at walang problema, kundi, puro laro lang ang nasa isipan. Nagtapos pala ako ng elementarya sa Ulas Elementary School. At isa ako sa mga “consistent honor” ng mga panahong iyon. Bigla namang pumapasok sa aking isipan ang mga araw kung saan kami naliligo sa ulan, naglalaro sa putikan at nakikipagrambolan.
Punta naman tayo sa aking “high school days”. Kung gaano ka saya ang elementarya, higit pa ang saya sa highschool. Nagtapos nga pala ako sa Los Amigos National High School, Davao City. Sa lebel talagang ito nagsisimula ang pag-ibig. Hindi ko nga malimutan ang araw noong ako ay unang nahumaling kay Ms. Analee Conte, eh sino nga ba namang hindi magkakagusto sa kanya, eh napakaganda niyang babae. Hindi ko lubos maisip na magkakagusto siya sa akin at nagging mag M.U lang naman kami. Nangyari iyan ng ako ay “2nd year high school”. Limipat naman ako ng ng paaralan noong “3rd year high school” sa Calinan National High School. Sa aming klase ako ay nagging “prince charming” at kasama ng aking pinakamagandang “muse” , na “crush” ko rin, si Ms. Kris Joanna Yulo. Ditto ko unang naranasan ang “J.S Promenade”. Pagdating ng “4th year” nagbalik ako sa Los Amigos NHS. Napakasaya ng aking pagbabalik ditto, dahil ditto ko nakilala si Ms. Sarah Jane Valentin. Siya ang una kong inibig, inibig niya rin ako, at kami ay nagkaibigan.
Oras na ng pagkokolehiyo. Kailangan na mamili ng course. “I take up B.S IT” at ang napiling kong institusyon upang pag-aralan at pagtuonan ng pansin ay ang University of Mindanao. Dito ko pala nakilala si Ms. Lorraine na inibig ko, ngunit hindi “mutual” nararamdaman, kaya yon naglaho. Di kalaonan,  ay di na kinaya ng pinansyal upang matustosan ang pangangailangan, kaya ang bagsak sa University of Southeastern Philippines. Sa kabilang daku, sa panahon namang ito nangyari ang malaking dagok sa aming pamilya. Na stroke kasi ang aking ama si Mr. Roman Abali. Sa kasalukuyan ay hindi pa talaga siya “fully healed”. Balik naman tayo sa aking “College life”. Kaba ang aking naramdaman sa una kong pagpasok sa USeP. Akala ko noon hindi ko kakayanin marami kasing nagsasabi na mahirap daw rito. Ngunit, dahi walang “choice”, at dito lang kasi ang pinaka murang unibersidad, kaya pinasok ko ang USep. Laking pasasalamat ko naman, dahil nakapasa ako sa “Entrence exam”. Kumuha ako ng “AB Language” at ngayon ay “2nd year” na ako. Napaka “competitive” ng aking mga kaklase. Kailangan ko namang ko namang makipagsabayan sa kanila. Sa kabilang daku, nahumaling ang aking attensyon kay Noemi, hindi siya taga USep, kundi taga UM. Akala ko naman muli na naman akong iibig. Ngunit hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon. Hanggang sa muli.



No comments:

Post a Comment