Pages

Sunday, March 11, 2012

Talambuhay

Ellian Mae B. Aniñon

BTTE-2D

March 12, 2012

“Talambuhay”

Ako si Ellian Mae B. Aniñon, labin walong taong gulang. Nakatira sa Purok NIC buhangin Lungsod ng Dabaw. Ipinanganak ako noong Ika-13 ng Abril, 1994. Ako ay pangatlo sa tatlong anak ng mag-asawang Lorena Bunsalanan Berongoy Aniñon at asawang sa Alex Belacura Aniñon. Ang trabaho ng aking ina ay isang Radio Broadcaster sa DXRD 711 am station radio at ang aking ama naman ay isang mangangalakal. Ako ay kasalukuyan nag-aaral sa Unibersidad ng Timog Silangang Pilipinas sa kursong Bachelor of Technical Teacher Education major in Computer Technology na nasa ika-dalawang taon na nang pag-aaral.

Ang dalawang panganay na kapatid ko ay parehong nag-aaral sa Unibersidad na pinapasukan ko. Ang panganay ay gra-graduate na sa taong ito sa kursong BSED major in Mapeh. At ang isa ko naming kapatid ay nahinto sa pag-aaral ngayong semester dahil siya ay nabuntis ng kanyang nobyo. Noong una kong nalaman na buntis pala siya, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Di ko maintindihan yong pakiramdam ko. Tatlong araw akong hindi makatulog at umiiyak lang ako bigla-bigla na walang dahilan dahil sa kakaisip ng sitwasyon ng aking kapatid. Masyadong nasaktang ang aking ina at ama sa nangyaring iyon. Kaya para makabawi sa kasalanang ginawa ng aking kapatid, nagsikap ako at ginandahan ko ang aking mga performances sa school. Pero kahit anong gawin ko wala paring nagbago. Masyado ng mahigpit ang magulang ko. Pinapagalitan niya ako pag natagalan akong umuwi, dahil baka daw naglalakwatsya lang ako at sumunod sa yapak ng ate ko. Ang sakit sa dib-dib mo dahil di naman tutuo, kahit ilang explanations pa ang gawin mo, di parin naniniwala. Lagi nya kaming sinusumbatan dahil sa pagkakamali ng isa.

Ang mama ko kasi, pag sinira mo yong one trust niya sayo, mahirap ng ibalik yon. Pero nagbago ang lahat nang dumating na yung anghel sa buhay naming, si Baby Antonette, ang kauna-unang pamangkin ko. Parang yung lahat ng sakit, galit, panghihinayang ay napawi dahil sa cute na anghel na binigay sa amin.

Sa ngayon, palagi na akong pinangangaralan na tapusin muna ang pag-aaral at maka graduate at makakuha ng magandang trabaho bago yang mga bagay na nakapag-dadala sayo ng temptasyon. Always din akong nagdarasal na sana palagi nya akong ilayo sa kapahamakan.

Marami pa akong Pangarap sa buhay at ayokong ma ulit naman ang karanasang iyon. Tama na ang pagkakamali ng isa at huwag nang dagdagan pa.

No comments:

Post a Comment