Pages

Saturday, March 10, 2012

talambuhay ni bordios, arvil john


Arvil John P.Bordios
BTTE-2c

Fil3/Masining na Pagpapahayag


Ang Aking Talambuhay
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong mga bagay-bagay na dinaranas, mabuti man o masama. Ang mundong ibabaw ay punung puno ng hiwaga na bumabalot sa ating buhay at kaisipan na ating dadanasin pagdating ng araw. May mga tao na ginagawa ang lahat para sa ikagaganda ng kani-kanilang mga kinabukasan. Upang matugunan ito, kailangan muna nilang ibahagi ang kanilang mga karanasan upang maikwento at mapagkunan ng leksyon at kaalaman partikular na rin sa buhay na dinaranas ng isang tao. Upang maisagawa ito, nagbigay daan ang pagsusulat ng talambuhay upang mailathala ang kanilang buhay. Paano nga ba nagsimula ang aking buhay?
          Ako si Arvil john P. Bordios, panganay ako sa aming tatlong magkakapatid na sina Ren Bran at Valerie. Pinalaki ako ng aking mga magulang na sina Arturo at Vilma Bordios na may takot sa Diyos. Ipinanganak ako sa Lupon District Hospital, Davao Oriental taong 1991 ng Setyembre 20. Noong una ay sa nayon kami nakatira sapagkat wala pang trabaho ang aking mga magulang noong 1-3 taong gulang palang ako.



 Ang aming tirahan noon ay kubo lamang, datapwat mahirap ang buhay ay pinilit parin ng aking mga magulang na magsumikap para sa aming kinabukasan. Hindi rin nagtagal ay pumasa na ang aking ina sa LET exam at doon ay nakapasok agad siya sa pagtuturo.
          Sa kinalaunan ay lumipat na kami sa isang Barrio dahil nakarenta na kami ng bahay doon dahil na rin sa kakaramput na sahod ng aking ina. Ilang taon ang lumipas at ako ay nasa tamang edad na, pinasok nila ako sa kindergarten at doon marami akong mga naging kaibigan, ika nga ng aming guru noon na para raw akong manika sa sobrang puti ng aking balat at malaman na katawan.
Pagdating ng lokal na eleksyon, tumakbo ang aking ama pagka konsehal at pinalad rin na manalo. Lumipas ang mga ilang taon ay nakapasok na rin ang aking ama sa munisipyo at dahil doon ay lumipat na kami sa lungsod.
          Pagtongtong ko ng unang baiting sa elementary ay agad namang naging regular na empleyado ang aking ama sa minisipyo kaya pareho nang mayroong magagandang trabaho ang aking mga magulang. Sa sumunod na taon ng aking buhay ay isang masaklap na pangyayari ang bahagyang dumating at iyon ay isang aksidente, nabundol po ako ng isang motorsiklo sa aking pagtawid sa kalsada. Sa pagkabundol ko ay tumilapon ako ng dalawang bloke sa kalsada, isipin mo ang impak ng pagkabundol, talagang napakalakas at naging dahilan ng pagkayupi ng kanan kong dibdib at agad akong isinugod sa isang klinika sa aming lungsod. Hindi nagtagal ay sumugod na ang aking mga magulang sa klinika, alalang-alala ang aking mga magulang noon habang pinagmamasdan nila ang balisa kong mukha. Umiyak ang aking ina habang ako ay nakahiga.

Lumipas na naman ang tatlong buwan ay gumaling na ako mula sa trahedyang dinanas ko. Di kalaunan ay nagsimula na naman ang panibagong yugto ng aking buhay datapwat pangalawang buhay ko na ito ay mas lalo akong lumapit sa panginoon.
          Sa paglipas ng panahon ay gumraduate na ako ng elementary at sa pagtatapos ay marami akong nakuhang mga parangal dahil na rin sa guru ko ang aking ina sa pinapasukan kong paaralan, ay palagi niya akong isinasali sa mga contest gaya ng annual quiz bee competition, municipal poster making contest at saka ng marcotting, hindi naman ako umu-uwi ng walang dala, siyempre mananalo ako ngunit hindi champion kundi pangalawang pwesto lamang, ok na sa akin yon. Proud naman ang aking ina sa akin dahil nagsisikap akong mag-aral. Sa pagtongtong ko ng hayskul ay nagsikap ako ngunit naimpluwensyahan sa mga barkada kung kaya’t hindi masyadong maganda ang aking performance. Doon ko naging kaklase ang unang crush ko na nakikita ko lamang pag may quiz bee competition, siya palagi ang wagi sa kompitisyon, masyado siyang matalino at sa klase naming sa hayskul ay siya palagi ang top 1 sa ranking, sa pagtongtong ko naman ng third year sa hayskul ay doon ako unang may niligawan, nakakatawa ngang isipin na sa panliligaw ko ay lumuhod pa ako sa kanyang harapan at pinapaligiran ng aking mga kaklase ngunit hindi niya ako sinagot, ganoon kasaklap, nakakatawa diba.
          Lumipas na rin ang panahon ay magfofourth year na ako at doon ako ay nagkaroon ng unang kong kasintahan na third year pa, nagkakilala kami dahil sa pareho kasi kaming myembro ng drum and bugle corp., siya ay majorrete at ako naman ay drummer. Tatlong buwan lang ang aming relasyon dahil iniwan niya ako.
         


Sa pag graduate ko ng hasykul ay inihanda ko na ang aking sarili sa ibang mundo ko namang haharapin. Kumuha ako ng exam sa USEP dahil narin sa ito lang ang maafford ng aking mga magulang, sinubukan ko naman, sa kasamaang palad ay hindi ako pumasa at upang makapasok ay napilitan akong kumuha ng non-degree course sa tatlong taon.
Sa aking ikatlong taon sa kursong ito ay nag ojt ako sa Zamboanga at doon ko hinarap ang hamon ng realidad, doon ko nakuha ang mga allergy ko sa balat dahil na rin sa mga alikabok at nasira ang aking balat na tinubuan ng maraming pimples ngunit doon naman ako tumaba ng kaunti,  hindi narin kalaunan ay gumraduate na ako ng non-degree ngunit may parangal na natanggap bilang numero uno sa dean’s list at first time iyon sa kasaysayan ng College of Technology na ang mangunguna sa dean’s list ay galling sa non-degree course. Masayang Masaya ang aking mga magulang sa akin.
          Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa BTTE dahil narin sa guru ang aking ina, gusto ko ring sumunod sa yapak niya at kailangan na rin kasi ngayon ang technical teachers sa paglipana ng maraming paaralan na may kursing teknikal. Maganda naman ang aking mga grado at kaya ko namang makipagsabayan sa mga matatalino ko na mga kaklase. Second year na ako ngayon at dito ko nakilala ang aking kasintahan na labis kong sinisinta at iniibig ng wagas. Siya si Desiere, nag-aaral siya sa HCDC at kukumuha ng kursong Costum Administration. Sa ngayon ay labis akong mangungulila sa kanya sapagkat ika niya ay hindi na muna raw siya mag papatuloy sa pag-aaral dahil narin sa kakulangan sa pangtustos sa eskwelahan, mag-iipon pa raw muna ang kanyang ina.

Sa susunod na taon na raw niya maipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral. Kung mayroon lang sana akong trabaho ngayon at sapat na pera ay sasagutin ko na ang kanyang pangmatrikula. Mahal na Mahal ko siya. Matagal-tagal rin siguru kaming hindi magkikita dahil sa Samal sila nakatira, ngunit sa sarili ko ay gagawa nalang ng paraan upang magkita kami o makontak ang isa’t-isa nang sa ganoon ay maibsan ang kalungkutan at pagkamiss naming sa isa’t-isa, sinisiguru ko na mas lalo akong magsusumikap na mag-aral para narin sa kanya at sa aking pamilya. Isasadiyos ko nalang ang lahat at ipapanalangin na sa lalong madaling panahon ay gumaling na ang kanyang ina sa mga komplikasyon at sana ay umuwi na ang kanyang ama na may dalang financial assistance para hindi na siya hihinto pa sa pag-aaral.




No comments:

Post a Comment